nuffnang

Search Here

Thursday, March 24, 2011

Hot favorites sa Bb. Pilipinas pinangalanan

source: abs-cbnnews.com


Sa porma at alindog, ang Binibining Pilipinas 2011 ang matuturing na isa sa may pinakamaraming magandang kandidata sa kasaysayan ng pageant.

Pero ngayon pa lang ay may mga lumutang nang favorites. Kabilang dito sina Shamcey Supsup, magna cum laude sa kursong architecture; MJ Lastimosa, ang computer engineer mula Davao; Diane Necio, first runner up ng pageant noong isang taon; at Chloe MacCully, ang suitcase girl sa Kapamilya Deal or No Deal.

Marami na akong experience and of course ang mga training na nakuha ko from Binibining Pilipinas,” sagot ni McCully.

Well, I would say, if she has experience, I am fresh and someone new,” sagot naman ni Necio.

Angat din sina Zara Aldana, dating housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition; Krystle Grant, Fil-Am beauty titlist mula San Francisco; malawak din ang fan base ng nursery teacher na si Patricia Tumulak.

My determination and my strong personality will help me win this,” sabi ni Tumulak.

Tiyak na marami pang kandidata na magpapakitang gilas sa susunod na 2 linggo bago mag-coronation night sa April 10.

Alam kong mind game po ito. Hindi lang ang pinakamatalino ang hinahanap, hindi lang sexy at pinakamaganda. Dapat matatag ka,” pahayag naman ni Lastimosa.

Relax muna ngayong gabi ang mga binibini sa welcome reception ni ABS-CBN Chairman Gabby Lopez.

source: abs-cbnnews.com

No comments:

Post a Comment

FAN BOX WORLDSPRIDE

Toolbar

DISCLAIMER

The Photos and Videos in this Blog belongs to their respective owners, Videos and Photos are only posted just for blogging purposes. We don't host any of the videos that are available on this website. We only provide links to them or post the video embed codes here.

adbrite